
IT TAKES ONE TO KNOW ONE.
Kapag maganda ka, alam mo ang kapwa mo maganda.
Iyan kaagad ang pumasok sa aming isip nu’ng may nagkuwentong isang veteran movie writer sa amin na sobrang nagandahan daw si Amalia Fuentes kay KC Concepcion:
“Napanood daw ni Tita Nena (Amalia Fuentes) ang isang pelikulang dinirek ni Maryo J. delos Reyes two years ago sa Star Cinema”, kuwento pa ng veteran writer na kilala rin sa pagiging controversial in his own right at mas kilalang malapit sa karibal ni Amalia na si Susan Roces. “Hay naku, gandang-ganda daw siya sa mukha ni KC Concepcion! Nasa isang restaurant kami nu’n at tinawag niya ako, se niya-‘Hoy halika, isulat mo ito, sabihin mo, gandang-ganda ako sa mukha ni KC Concepcion! Ngayon lang ulit ako pumuri ng ganyan. Ngayon lang ulit ako nakakita ng napakagandang mukha sa showbiz. At si KC yan. Puede mong isulat yan!’ ..Ako naman, medyo nagtaka, kasi, dati, ang pinupuri niya sa kagandahan ay si Kristine Hermosa, biglang si KC na ngayon. Kaya tinanong ko siya kung bakit? Bakit biglang si KC na?
“Ang sagot niya, mas nagagandahan daw siya kasi ngayon kay KC , yun lang”, pagpapatuloy na sabi pa ng aming veteran writer na source.
Si Miss Amalia Fuentes, na pumapangalawa kay Miss Gloria Romero bilang Reyna Ng Pelikulang Pilipino ay nakilala noong kapanahunan niya bilang “Most Beautiful Actress In Asia”. Nasa authority siyang pumuri o mamintas kung gugustuhin niya, based na rin sa mga naging achievements niya sa movie industry. Pagdating sa kagandahan, number one si Tita Nena.
Maski hanggang ngayon na nagka-edad na siya at tumaba na, kapag titigan mo ang mukha niya ay napaka-exquisite pa rin. The beauty is so visible.
Pero alam ni Tita Nena, ibigay na dapat sa mga mas nakakabata ang korona ng kanyang kagandahan. At isa sa mga napili niya ay ang ‘unica-hija’ ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion.
“Agree din naman ako kay Tita Nena”, tanging nasabi na lang nung controversial na veteran writer. “Napanood ko rin ang movie na yun ni KC na dinirek ni direk Maryo J. Napakaganda nga niya doon! Very glossy ang movie na yun at na-capture talaga ang beauty ni KC! Kaya bow ako!”
And KC’s beauty transforms, just like her mom’s beauty. Their beauties glow in the dark, even from far-away.
Naaalala pa namin minsang nakita namin si Miss Sharon Cuneta sa isang premiere night. Nasa loob na siya ng theater, pero ang beauty niya ay kitang-kita maski nasa malayo ka, naggo-glow. Nagta-transform. Iyan ang kagandahang minana ni KC sa kanyang ina na si Sharon.
And, oh yes, glamour must always be a part of showbiz! No matter what!

Leave a Reply