


Ang pelikulang idinerehe ni Laurice Guillen para sa Star Cinema, ang “Sa ‘Yo Lamang” ang siyang may pinaka-powerful na mga nominasyon ( with 13 nominations) sa taong ito para sa 27th PMPC Star Awards for Movies 2011 na idaraos sometime in June 2011 (ang venue ng awards night ay soon-to-be-announced pa). Pumapangalawa naman ang pelikulang “Sigwa”, isang indie film na idinirek ni Joel Lamangan, at produced by Carmela Honrado and Pelita Uy- na maski mas lamang ng isang nominasyon sa “Sa ‘Yo Lamang” ay masasabi naming pangalawang top nominee lamang dahil hindi siya isang mainstream film. Labing-apat ang nominasyon ng “Sigwa” sa Star Awards sa taong ito na mostly ay nasa technical na aspeto.
Pangatlo namang top nominee para sa blogger na ito ang pelikulang “Rosario”, sa direksyon ni Alberto Martinez with 10 nominations. Ang pelikulang ito, for sure, ang magiging mahigpit na karibal ng “Sa Yo Lamang” at “Sigwa” for Best Picture.
Although mas lamang ng isang point sa total number of nominations ang pelikulang “Emir” ni direk Chito Rono, we feel na mas powerful naman ang nominations ng “Rosario” dahil nominado sa Best Actor si Yul Servo sa nabanggit na movie, samantalang sa “Emir”, walang major acting nominee kaya maski mas madami ang nominations ng “Emir”, mas lamang ang impact ng nominations ng “Rosario”, and thus, ang “Rosario” ang pangatlong top nominee na personal choice para sa blogger na ito.
And yes, nominado muli si Fanny TF Serrano bilang Best Actor sa indie film niyang “Tarima”. Kalaban niya sa kategorya sina Yul Servo (“Rosario”), Coco Martin (“Noy”), Baron Geisler (“Donor”) at John Lloyd cruz (“Miss You Like Crazy”).
Sa Best Actress, ang magkakalaban ay sina Lorna Tolentino (“Sa ‘Yo Lamang”), Bea Alonzo (“Sa ‘Yo Lamang”), Aiai delas Alas (“Tanging Ina Mo, last Na To”), Lovi Poe (“Mayohan”), Anne Curtis (“In Your Eyes”), Dawn Zulueta (“Sigwa”) and Angelika Panganiban (“Here Comes The Bride”).
Para sa kumpletong list of nominees, pumunta na sa PEP.PH site. Mwahh.
Words By ROBERT MANUGUID SILVERIO
Leave a Reply