http://www.facebook.com/video/video.php?v=210504245632678&comments
Grabe, naiyak ako sa video na ginawa ng isang relative ni Miss Divina Valencia-Quesada na si Miss Tes Quesada sa Facebook. Sana, mai-share ko dito sa blog ko, hindi ko kasi makuha yung video na yun at mai-post dito sa blog na ito…. Masaya naman ang kanta dun sa video (“Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko), upbeat naman ang melody, nakangiti naman sina Ate Divina Valencia-Quesada at Kuya Delfin Quesada sa mga larawan, pero hayun, pumatak pa rin ang mga luha ko…
Hindi ko kasi malimutan ‘yung araw na nakapiling ko maghapon sina Ate Be (tawag ko kay Miss Divina Valencia) at Kuya Delfin sa kanilang tahanan na malapit sa may U.P. Balara. Katatapos lang nu’n ng bagyong Ondoy na kung saan ay naging biktima ng malakihang baha ang aking pamilya. Directly hit kasi kami nung disaster na yun since at that time, doon pa ako nakatira sa may Kingsville Subdivision sa may Marcos Hiway. Nabalitaan yata yun ni Ate Be at pinapunta niya ako sa kanilang tahanan to have lunch with her and his hubby, si Kuya Delfin.
It was such a pleasant day. Kakauwi lang nu’n ni Ate Be sa Pilipinas buhat sa ilang taong pamamalagi sa Estados Unidos. Pagkakita ko kay Ate Be muli sa araw na yun after so many years, namangha pa rin ako sa kanyang angking kagandahan. She looked so fresh, every inch an actress- so beautiful. Kasi naman, ang kagandahan ni Ate Be ay hindi panlabas lang o put-on. Ang tunay na kagandahan niya ay nasa loob niya. Nasa puso niya.
Si Ate Be, o si Miss Divina Valencia para sa madla, ay isa sa pinaka-totoong tao na nakilala ko sa showbiz. Hindi siya nakakalimot sa sinumang tao na makakilala niya, lalo pa’t ito ay kaparte ng industriya. Isa siyang tunay na kaibigan.
Nakilala ko si Ate Be nung sinusulat ko palagi noon ang anak niyang si Reb Belleza, noong ito ay contract star pa ng Seiko Films at naging Regal Baby din. Kinuha akong P.R.O. ni Ate Be para sa anak niya. Until she migrated again to the States at hindi na kami nagkita pa.
Kaya napaka-importante ng araw na yun. Hayun si Ate Be, kapiling kong muli, and at that time, kasama ang kanyang hubby for many years now na si Kuya Delfin. Masaya ang aming muling pagkikita. Very positive kasi ang outlook sa buhay ni Ate Be, at matatangay ka sa kanyang strong character and gentle ways.
Imagine, nag-treat na nga sila ng lunch sa akin ay nagbigay pa si Ate Be ng mga goods, mga damit na bago pa at imported na galing sa U.S. at padala sa kanya ng mga anak niya roon, kaso mo, puro panlalaki ang mga damit. Dahil sobra na si Reb sa mga damit at hindi na magkakasya sa kanya ang mga iyon, yung mga damit na yun ay ibinigay sa akin ni Ate Be dahil alam niyang nasalanta ako ng Ondoy that time. Wala na akong kadamit-damit noon. At yung mga damit na ibinigay sa akin ni Ate Be, for two years now, yun palagi ang mga suot ko. Araw-araw.
Super nakaka-touched, di ba? Ganyan ka-sincere si Ate Be at ang asawa niyang si Kuya Delfin. Yung gesture nila to support and help me, parang nakikita ko tuloy sa kanila ang aking mga minamahal na mga magulang. Very motherly si Ate be at very fatherly naman si Kuya Delfin. Damang-dama ko yun.
Nandyan din yung isinama din nila akong mag-asawa sa isang kasalan sa probinsya na relatives ni Ate Be. Super-enjoy din ako doon. Ang sarap pala kasama nina Ate Be at Kuya Delfin.
At ngayon, napanood ko yung video sa itaas. 18th (eighteenth) anniversary na pala nina Ate Be
at Kuya Delfin as husband and wife. Wow, ang tagal na rin nun! Dito yata nagkakatotoo ang kasabihang-“What God has put together, let no man put asunder”. Through thick and thin, through ups and downs- never silang naghiwalay ni Kuya Delfin.
At dito na muli tutulo ang luha ko.
Kasi, ganun din ang mga magulang ko na araw-araw kong kasama ngayon sa buhay ko. Nakikita ko ang tunay na pagmamahalan sa kanilang dalawa. At ngayon, kina Ate Be at Kuya Delfin.
And I count my blessings.
Napakasuwerte ko dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nina Ate Be at Kuya Delfin, at lalong masuwerte pa rin dahil nagkaroon din ako ng mga magulang na tulad ng mommy at daddy ko.
Salamat, Panginoon…salamat!
Leave a Reply