ON THE CAN: “TARA NA, BIYAHE TAYO” MTV REMAKE FOR 2011 BY D.O.T.!

http://www.youtube.com/watch?v=WM4X8M2GiEw
Come Let’s Travel -WOW! Tara Byahe Tayo

21 artists, 5 recording days, one song, one Country. WOW PHILIPPINES Byahe Tayo! The Bonamine Travel Advocacy Campaign. Year 2004.

This slideshow requires JavaScript.

Nasa itaas ang link ng music video na “Tara Na, Biyahe Tayo” na nasa YouTube. Ang music video na iyan ay ginawa noon pang year 2004 at sumikat din nung mga taon na yun. Ipinapalabas yung nasabing MTV na yun sa mga sinehan, sa tuwing matatapos ang isang pelikula. Ar pagdating at paglipas ng mga taon, tila nalimutan na…
Pero dahil nagandahan ang writer na ito sa MTV na yun na ginawa ng Dept. Of Tourism at that time, to further promote tourism in the Philippines, kinalkal ko ito sa Youtube at maka-ilang beses kong pinost sa aking Facebook. Siguro, dahil sa kapo-post ko, muling napansin ng D.O.T. ang music video na ito na masasabi kong isang “modern-day-classic”. Kaya hayan, its already

This slideshow requires JavaScript.

confirmed na magkakaroon ng remake ang video na ito. More than 200 hundred artists and musicians will participate in the remake of the said MTV. Mas bongga, mas maraming singers at musicians na kakanta, mas malawak ang scope ng mga travel sceneries and all! Kaya lahat ay excited nang mapanood ang bagong revival ng MTV ng “Tara Na, Biyahe Tayo”.
Nagkaroon pa nga ng kaunting intriga sa MTV dahil salitang “coloquial” daw ang “Tara Na”. Hindi raw ito tunay na salitang Pinoy at wala sa diksyunaryo. Pero sa makabagong panahon, mas naaakma ang salitang “Tara Na” keysa sa “Halina o Halika Na”. Mas moderno, mas may dating, mas masaraop pakinggan ang salitang Tara Na.
Kaya hayan, malapit nang matunghayan ang remake ng music video na ito sa darating na buwan ng Abril. Abangan!

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *