Salamat kina Mr. Garimon Escandor Roferos at Mr. Butz Fuentes sa pag-tag nila kay Fanny TF Serrano sa Facebook wall nito, at hayan, na-grab namin ng di-oras ang mga eksklusibong larawan ng Golden Screen Awards nominee for Best Actor na walang iba kundi si Fanny TF Serrano.
“Naku, Robert, super-enjoy ako sa trip ko na ito dahil nawala ang stress ko!, sey pa ni TF sa writer na ito nang tawagan niya kami sa cellphone. “Ang babait ng mga friends ko dito. Kain dito, dinner doon, pasyal kung saan-saan. At naku, nag-splurge pa ako dahil nag-shopping pa ako sa Armani store dito! Well, advice kasi ng doctor ko to relaks muna ang beauty ko, di ba? Kasi tunay namang tumaas ang blood sugar level ko at hypertension. Kailangan daw muna akong magbakasyon. Kaya hayan…”
Pero babalik at babalik si TF before April 2 para dumalo sa Golden Screen Awards ng Enpress na gaganapin sa Teatrino, Greenhills. Nate-tense na nga si TF to the max. Kakapanalo lang niya sa Gawad Tanghal Awards bilang Best Actor (ka-share niya sa award si Coco Martin) at ngayon, kinakabahan pa rin siya dahil mabigat daw na kalaban si Coco Martin.
“I am in a new phase of my life now, Robert!”, tanging nasabi na lang ni TF. “I am so inspired anew dahil may Best Actor trophy na ako. Lagi lang akong nano-nominate dati at now lang ako nanalo! Sana masundan pa!”
Anyway, look na lang tayo sa mga bonggang pictures ni TF sa Dubai. Very classy lifestyle, ha? And very trendy-socialite gay friends ang mga kasama niya. Wa na kami sey!






















Leave a Reply