LUIS MANZANO AT JENNILYN MERCADO: SUMUSUGAL SA BAGONG PAGIBIG! Written By RINO FERNAN SILVERIO

free counters

luis manzano: handsome and sexy, with good physical attributes any woman could fall for.
jennilyn mercado: her good acting prowess outshone her sexiness. after dennis trillo and patrick guzman- will she find the real love in person of lucky manzano?

Written By

RINO FERNAN SILVERIO

Tulad ng kanyang amang si Edu Manzano, very private itong si Luis, alis ‘Lucky’ pagdating sa kanyang lovelife. Kung mas nakilala siya bilang Lucky manzano- ang galawgaw, wacky at pakuwela sa mundo ng showbiz, dahil ‘yun ang tinawag ng kanyang inang si si batangas Governor Vilma Santos, bilang ‘Luis’ naman, siya ay seryoso, tahimik at responsableng businessman at ‘boss’ sa kanyang mga empleyado. Galawang mukha at katauhang kayang-kayang dalhin ni Lucky sa dalawang magkaibang mundong kanyang ginagalawan. Kung ‘Lucky’ Manzano siya sa showbiz, siya naman si Luis Manzano sa kanyang pribadong buhay, maging sa kanyang lovelife.

No wonder, bihirang-bihira ang mapag-usapan noon ang tungkol sa lovelife nitong si Luis. Sa totoo lang, nalimutan na nga yata ng lahat ang tungkol sa kanyang first girlfriend noon na si Nancy Castiglione, na for a time ay pinasok din ang showbiz. Naghiwalay sila nang hindi rin alam ng publiko ang kanilang naging paghihiwalay.

luis manzano: will jennilyn mercado heal his broken heart after angel locsin?
jennilyn mercado: her knight in shining armour could be lucky manzano!

Nagsimula lang mapag-usapan ang buhay-pagibig nitong si Luis nang maugnay na ang kanyang pangalan kay Angel Locsin, isa sa pinakasikat at pinakamahusay na aktres sa kasalukuyang panahon. Pero umusbong, namulaklak at lumago ang kanilang relasyon na sila lang ang nag-enjoy at nakaalam. At hanggang sa nagkahiwalay nga sila, lito pa rin, bitin at hindi malinaw sa publiko kung bakit sila nagkahiwalay. Sinikap nila, lalo na si Luios, na ibalik muli ang kanilang dating relasyon, pero wala pa ring nangyari.

Hanggang sa mabalitaan na lang ng lahat na ito palang star football player na si Phil Younghusband ay crush itong si Angel, at later on ay napabalitang nagde-date na sila.

Hindi alam ng marami, ito palang si Luis ay may bago na.

Matapos maging open ni Angel sa pagdi-date nila ni Phil, nagsimula na ring mag-move-on ni Luis at harapin ang bagong pagasa na dala ng isang bagong pagibig. Sa katauhan ni Jennilyn Mercado, ang first Starstruck Survivor female winner sa Kapuso Network years back.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan nila ni Jennilyn na noo’y katatapos pa lamang ng pakikipag-relasyon kay dennis trillo (ang una’y kay Mark herras, pangalawa kay Patrick garcia, kung saan siya nagkaanak- si Alex jazz; at pangatlo kay Dennis trillo nga). Early this year, sa madalas na pagkikita nila sa showbiz events at pagsasama sa training ng martial arts na Muay Thai at Jujitsu. At mula rin noon, umusbong ang magandang pagtitinginan na nauwi rin sa pagde-date.

“Kumbaga sa Muay Thai, pisikalan kaagad nu’ng nagsimula kami, di ba? So, sobrang gandang ice-breaker nun. I’m talking about yung magagandang insidente namin na magkasama kami, hanging-out and everything!”, excited pang sabi ni Luis.

Patunay din ang espesyal na pagtingin ni Luis kay jennilyn ang ginawa nilang pagpapakilala sa aktres sa kanyang inang si Gov. Vi nung mag-spend sila ng Holy Week sa batangas last April, kasama ang barkada ni Luis. Hindi ba, ganun din ang ginawa ni Luis kay Angel? Ipinakilala ito ng personal sa kanyang Mama Vi?

“Very casual and down-to-earth ang unang pagkikita nilang ‘yun. Nag-dinner lang kami sa bahay with my close friends”. pagpa-flashback pa ng TV host/actor.

Walang problema si Luis sa kanyang Mama Vi. Alam niya na kung saan siya maligaya, tanggap nito ng buong-buo sa puso. Nang maghiwalay nga sila ni Angel, kung nasaktan siya, mas dobleng sakit ang naramdaman ng kanyang Mama Vi. Pero umaasa si Luis this time, pag mas nabuo at lumalim ang pagtitinginan nila ni Jen, hindi na muling masasaktan ang kanyang mama Vi, gayon din ang bunga ng nakaraan ni Jennilyn na si Alex jazz. Kung mahal niya si jennilyn, mamahalin din niya ang mga mahal nito sa buhay. Kung wala raw problema si Luis sa kanyang mama Vi, wala rin siyang nakikitang problema kay Alex Jazz.

“Twice ko nang nakikilala at nakakasama si Jazz. Pag nagte-training kami sa bahay nina Jennilyn, darating si Jazz from school, ayun naglalaro kami. Okey naman si Jazz, walang problema, kaya lang, hindi pa ako nagpapakilala sa kanya bilang ‘Tito Luis’ niya, dahil there’s the right time for that. Ayoko naman siyempreng iprisinta ko agad ang sarili ko bilang ‘tito’, kasi hindi pa naman kami ni Jen”.

Meanwhile, labis namang ikinatutuwa ni Jennilyn ang magagandang bagay na sinabi ni Luis tungkol sa kanya nang mainterbyu ito sa telebisyon. Si Luis daw ang kauna-unahang lalaki na nagpa-interbyu para ipagtanggol at panindigan siya. Very lucky raw siya sa pagkakaroon ng kaibigan sa katauhan ni Luis. Dagdag pa niya, si Luis daw ang lalaking muling ‘nagpakilig’ sa kanya.

Ngayon, dalawa na silang muling bumbangon at muling sumusugal sa pangako ng isang bagong pagibig. Sa kasiyahang naglalagos mula sa puso hanggang sa mga mata ni Luis Manzano, si Jennilyn Mercado na kaya ang muling bubuo ng kanyang lovelife at makakasama hanggang sa kanyang pagtanda?

Pero tulad ng sinabi ni Piolo Pascual na iniintriga rin dahil kay KC Concepcion, ang pakiusap din ni Luis Manzano ay: “Huwag po nating pangunahan. It’s still a long way to go. yes, hindi pa po kami. Pero sa puntong ito sa samahan namin ni Jen, we are okey. Okey na okey!”

Kayo, ano ba sa palagay n’yo? Magkatuluyan kaya sina Luis at jen? Your guess is as good as ours.—*

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *