behind-the-scenes with the “temptation island” girls!

free counters

the final poster layout of “Temptation Island” (The Remake) by Regal Films!

Nagkakagulo sa loob ng new building ng GMA channel 7 kahapon. Nagpa-panic ang lahat. Mukhang mga tension-filled, overjoyed, pressured sa time, and other mixed high feelings of excitement and work-drive. Ano’ng meron?
Ang taas-taas ng energy!!!! Very positive energy!!!
Naro’n din ang mga bigwigs ng channel 7 na sina Joey Abacan at Ms. Anette Gozon sa main hall leading to the dressing rooms and canteen of the stars sa channel 7. Nang makita nga ni Joey Abacan ang writer na ito, all-smiles siya at very friendly and accomodating! Dahil sa tensed ang lahat, wala kaming nabati ni isang artista sa main cast ng “Temptation Island (The Remake)” na naro’n lahat dahil may special shoot ng “behind-the-scenes” look, MTV-style na ipapalabas sa channel 7 bilang promo sa movie. Hindi na namin ginambala pa ang mga artista na nagpapahinga sa kani-kanilang dressing rooms.

lovi poe
solenn heusaff

Maski ang mga road managers nina Lovi Poe at Solenn Heusaff na sina Rodel Marquez at Miss Cham Russell ay abalang-abala rin at hindi na kami maalalayan sa shooting set sa loob ng main studio ng channel 7. Kakaiba talaga ang energy ng lahat. And this is a good sign na THERE IS A BLOCKBUSTER MOVIE ON THE MAKING!
Yup. May pagka-psychic nga ang blogger na ito. Based sa very positive vibes na nadama namin that afternoon sa loob ng channel 7 kung saan sinu-shoot ang MTV ng movie (at sankaterba rin ang nagdagsaang mga guwapong modelo at naggagandahang ramp female models na lumabas bilang mga dekorasyon sa “behind-the-scenes” MTV), talaga ngang kikita ang movie na ito ng Regal Films! Tiyak na makakabawi si Mother Lily Monteverde.

aljur abrenica

Nakita namin si Aljur Abrenica na tahimik na nagpapahinga sa loob ng dressing room niya, but he politely smiled to us ng makita niya kami. Naro’n din si Ruffa Mae Quinto na hindi na namin na-greet dahil nahiya kami, at si John “Sweet” Lapuz na nagi-smoke sa may smoking area at nagawa naming batiin ng “Hi”.

marian rivera

Nagpapahinga din at nakapikit si Lovi Poe habang hinihintay ang take niya sa shoot. Si Marian Rivera naman, looked sa pretty pero na-tense kami nung tumingin siya sa amin ng very meaningful look. Sana, napatawad na kami ni Marian sa naisulat namin dati sa kanya. Hehehe….
Naro’n din ang veteran actresses na sina Miss Deborah Sun at Azenith Briones. Saglit lang naming naka-tsikahan si Miss Deborah na very friendly at mabait sa amin eversince….
Sige pa rin ang dagsaan ng mga tao, may mga media at press pa na nasa canteen dahil may interbyuhang magaganap (this blogger decided not to join this mini presscon, though, o di vah???)
Para walang masabi ang mga nang-iintriga na pumapapel kami sa GMA channel 7, no!
At bigla, NALAGLAG ANG ISANG GLASS SIGNBOARD SA ITAAS!
Located yun sa main hallway, malapit sa kinatayuan ng lahat ng mga models, staff, crew na nagsisipaglakad malapit sa hallway na yun.
It was a sign.
A message.
At nag-decide bigla ang blogger na ito, a wake-up call na umalis na muna sa compound ng channel 7 at babalik na lang siya next time, someday!
Dahil may hiwagang nababalot sa nabasag na signboard na yun at nakapagtataka na wala man lang natamaan! Sa dinami-dami ng mga tao, security pipol and others na naroon! It was metaphysical!
Yun lang.

words by robert manuguid silverio

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *