MGA AGAW-EKSENA SA “THE BUZZ”!

Tulad ng aming naipangako sa aming sarili, muli naming pinanood kahapon (mARCH 27,Linggo) ang programang “The Buzz” ni kuya Boy Abunda. Mas masarap sanang mapanood ang programang ito na ‘live’ sa studio nila sa ABS-CBN compund, pero laging dini-dishonor ng mga babaeng receptionists sa entrance window ang aming MOWPPAP (Movie Writers And Press Photographers Association Of The Philippines) PRESS I.D. Ganun nga yata ka-strict ang channel 2. Pero yung mga guwardiya naman ay hindi ganun kasungit, di tulad nung mga babaeng nasa booth window nila.
Anyway, gustuhin mang makapiling ng ilang media people, movie writers especially, si Kuya Boy, hindi nila magawa dahil sa sobrang pagiging istrikto ng policies ng channel 2. Marami pa naman ang sadyang gustong makaulayaw sa personal ang mabait na TV host. Tulad ng writer na ito na nagtitiyaga na lang manood sa T.V. ng “The Buzz” every Sunday.
Mas maganda sanang makapagsulat ng “behind-the-scenes” na mga kaganapan sa nabanggit na programa. Hindi yung lagi na lang kaming pumi-pick-up ng mga balita sa “on-air” happenings ng show. Pero last Sunday, nag-enjoy na naman kami sa mga kaganapan sa “The Buzz”. Maraming agaw-eksena na mga pangyayari, kaya tunay namang sulit na sulit ang panonood namin.
Una sa lahat, muli kaming pinaiyak ni Kuya Boy nang banggitin niya sa ending ng kanyang interbyu kay Ana Leah Javier (ang girlfriend ng yumaong aktor na si John Apacible) ang salitang- “Kaya habang buhay pa ang iyong mga mahal sa buhay, sabihin mo na sa kanya ang katagang- ‘I Love You’- ipadama mo na sa kanya ang iyong pagmamahal”, sabay titig pa ni Kuya Boy sa harap ng kamera.
Muli pang tumingin si Kuya Boy sa nagdadalamhating si Ana Leah, at muli siyang tumitig sa harap ng kamera, sabay sabing:
“Mamang, mahal kita. Mahal na mahal kita.”
Doon lang at halos mapaiyak na ang writer na ito sa sinseridad ng pagkakabigkas ng mga salita ni Kuya Boy. Nu’ng mga oras na yun habang nanonood kami ng T.V. ay katabi pa namin ang aming ama at ina. Kaya talagang nakakatusok sa puso…
Napakaganda ng mga kasuotan muli ng mga hosts ng “The Buzz”, lalo na yung suot ni Toni Gonzaga, na for sure, before the year ends ay mapapasama sa aming Best-Dressed List. Carry na carry ni Toni ang lovely design ng kanyang skirt na ang dating ay parang gown! Kay galing ng kanyang couturier, ha? Si Kuya Boy naman, the more na nagiging slim and fit ang kanyang katawan, mas lalo ring bumabagay sa kanya ang iba’t-ibang istilo at klase ng mga American Suits na suot niya sa kanyang programa every Sunday. Consistent Best-Dresser siya.
Ewan ba namin, pero tila ang mga artista sa channel 2 ay titingalain mo talaga sa ganda, sa galing ng pananamit at sa pagiging stylish nila. Hindi tulad sa ibang istasyon na ang mga artista’y kay “papangit” at walang “glamour” ang dating. Although hindi naman namin nilalahat, ha? Nandyan ang mga tulad nina Lovi Poe at Iza Calzado (na parehong nasa channel 7) na maski papangitin ay talagang magaganda pa rin. Pero sila lang yata ang magaganda naming nakikita sa ibang istasyon. Please lang, huwag na huwag isasali sa “glamour” list namin si Cristy Fermin na napaka-:”chaka” ng pananamit every Sunday sa isang talk show niya, no! Please lang! At halatang kay taba-taba niya sa T.V.! Ang pangit tignan! (tabi-tabi lang pow, excuse lang pow, walang personalan…) Hehe.
Anyway, back to “The Buzz”, nakakatuwa din ang pagge-guest doon ng aktres na si Eula Valdez who seemed so candid that afternoon. She talked about yung pagsakay niya sa MRT na na-feel niya ang pagiging ordinaryong nilalang niya, at siyempre, ang kanyang pagmamahal sa model-actor na si Rocky Salumbides. Naloka din kami sa isyu ng pag-aagawan nina Aiai delas Alas at Toni Gonzaga para tanghaling Box-Office Queen ng Guillermo Foundation. Pero feel namin, dapat ay ‘tie’

This slideshow requires JavaScript.

This slideshow requires JavaScript.

sila sa koronang yun. Pareho naming napanood ang pelikulang “Tangin Ina Mo, Last Na To” at “My Amnesia Girl” na biggest blockbusters ng Star Cinema. Parehong walang itulak-kabigin.
Naku, next wek manonood na naman kami sa “The Buzz”. At sana naman, papasukin na kami sa channel 2. Mas masarap ang mga eksena kapag “live” mong mapapanood ang programa!

ROBERT MANUGUID SILVERIO

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *