
Sa ginanap na Black Book Launching event ng GMA Artist Center two nights ago sa Republique sa may Resorts World, muling nakita ng madla ang kaguwapuhan ni Rocco Nacino. Isa siya sa mga featured artists ng GMA na kasali sa Black Book- a collection of terrific and artistically-taken photo shoots by a lone photographer- Doc Marlon.
Sa may entrance ng venue, makikita mo roon ang mini-exhibit ng mga photos- ang gaganda! Ang galing ng mga pagkakakuha. At tatlong pictures ni Rocco ang nasali sa mini-exhibit na iyon dahil tunay namang most outstanding ang mg shots ni Rocco.
Isa sa mga pictures na ikinaloka ng lahat ay yung kuha ni Rocco na nakahubad at nakataas ang mga kamay, showing his bare armpits and naked torso. Naka-brush-up ang buhok niya at ang galing ng pagka-style sa kanya! May magnificent cloth na nakasampay sa balikat niya, and his expression was great! Grabe ang picture na iyon. Pang-souvenir item talaga! Sana, magkaroon kami ng kopya ng book na yun!
May isa pang kuha doon si Rocco na mukha siyang anghel! Napakaguwapo! Tuloy naitanong ng isang writer-blogger sa kanyang sarili:
Is Rocco Nacino an angel in disguise?
Maybe yes, maybe no.
Rumampa pa sa stage at umikot all over the venue ang mga GMA Artist Center talents. Ilan sa kanila ay sina Solenn Heusaff, Geoff Taylor, Rhian Ramos, Derick Monasterio, Victor Aliwalas, Iza Calzado, at marami pang iba.


Leave a Reply